Sunday, December 6, 2015

[TV] Janine Gutierrez excited about MMFF entry with mom Lotlot de Leon and film with Enchong Dee #JHedzWorlD

Ilang panahon na rin ang lumipas simula nang pasukin ni Janine Gutierrez ang showbiz, pero ngayong 2015 pa lang siya nabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng pelikula.


Unang pelikula ng GMA-7 star ang Buy Now Die Later, ang official entry sa Metro Manila Film Festival ng Quantum Films, MJM Productions Inc., Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.


Introducing dito si Janine bilang “ina” ni Alex Gonzaga sa pelikula.


Kaya ang tanong sa kanya sa presscon ng Buy Now Die Later na ginanap sa Max’s Restaurant noong December 3, paano nangyari yun, e, mas bata siya kay Alex?


Ayon kay Janine, “Ako si Maita, yung mommy ni Alex, pero pareho kasi kami ng role ni Mama [Lotlot de Leon].


“Ako yung younger Lotlot, pero hindi po siya flashback, e.


“Meron po silang kanya-kanyang binibili kay Santi para magawa nila ang gusto nilang mangyari.”


Si Santi ang demonyong ginagampanan ni TJ Trinidad.


“’Tapos yung kay Mama, gusto niyang bumata, so ako yung naging ako.”


Lotion daw ang binibili ni Lotlot kay Santi.


Kuwento ni Janine, kahit magkasama sila ng tunay niyang ina na si Lotlot, hindi naman daw sila nagkasama sa kahit na anong eksena.


Kaya hindi pa rin daw niya makukonsider na parang “dream come true” sa kanya na makasama nga ang ina sa pelikula.


Nakangiting sabi ni Janine, “Hindi pa, hindi… kasi hindi ko pa siya naka-eksena, pero nakasabay ko naman siya sa taping.”



DIFFERENT. Wala raw siyang love interest sa Buy Now Die Later, pero sa kuwento ay makikilala niya si Markki Stroem.


Hindi rin naman daw sinadyang wala siyang love interest sa pelikula para walang ibang love team na ma-build up sa kanya.


Ayon kay Janine, “Wala naman po, parte lang talaga ng kuwento.


“Sa movie na ito, yung mga characters, nagkakahalo-halo, nagkaka-interact-interact.


“So si Markki, meron din siyang kuwento na kasama si Sweet [John Lapus] and, in the end, lahat kami magkakasama-sama rin.”


Sa palagay rin daw ni Janine, iba ang mapapanood sa horror-comedy movie nila kumpara sa ibang mga napapanood na.


Ayon sa kanya, “Sa tingin ko, iba ‘to kasi kapag horror-comedy, sanay tayo na maliliit na kuwento na pinaghihiwa-hiwalay.


“Ito, it’s one big movie na connected kaya magkikita rin lahat ng characters.


“Nakakatuwa rin talaga kasi maganda ang effect at sa napanood ko, maganda ang pagkakagawa kaya excited na talaga ko.”


Bukod dito sa MMFF 2015 entry niya, may nagawa na rin daw indie film si Janine, ang Lila, kunsaan sila naman ni Enchong Dee ang magkasama.



JHedzWorlD


AIM GLOBAL






No comments:

Post a Comment